EU politician na kritiko ng war on drugs ng gobyerno , hindi pinapasok sa Pilipinas
Hinarang ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport si Giacomo Filibeck, ang deputy secretary general ng Party of European Socialists (PES) na kilalang kritiko ng gyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa partidong Akbayan, sister party ng PES, hindi pinapasok sa bansa Filibeck dahil sa illegal political activity.
Kinundena ng Akbayan ang pagdetine at pagpapa-deport kay Filibeck. Sinabi ng partido na pagpapakita ito kung gaano kapraning ang gobyerno na itago ang umano’y sirang idinulot ni Duterte sa bansa.
Dadalo sana si Filibeck sa dalawang araw na Akbayan Party Congress kasama ang 20 iba pang dayuhang delegado, ngunit hinarang siya matapos lumabas si Filibeck sa blacklist.
Pinayagan naman ang ibang delegado. na pumasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.