Quadricentennial Pavilion ng UST, nasunog
Tinupok ng apoy ang Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas (UST) sa Maynila.
Sa Twitter advisory, ng official twitter account ng Varsitarian, ang official student publication ng UST, nagsimula ang sunog alas 10:30 ng umaga kanina at naideklarang fire out alas 11:24 ng umaga.
Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.
Ayon sa Varsitarian, wala namang suspensyon ng klase na inanunsyo bunsod ng naturang sunog.
Ang nasabing gusali ang nagsisilbing sports complex ng unibersidad na mayroon ding mga classrooms. “There is still no official announcement on the suspension of classes at the Quadricentennial Pavillion,” ayon sa Varistarian.
Noon lamang buwan ng Marso, nagkaroon din ng sunog sa St. Raymund Peñafort building ng UST.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.