73 opisyal ng barangay, kinasuhan dahil sa bigong BADACs
Naghain na ng kaso sa Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa 73 opisyal ng barangay na bigong patakbuhin ang kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).
Inanunsyo ito DILG Assistant Secretary for Legislative and External Affairs Ricojudge Janvier Echiverri sa pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy para sa barangay at Sanguniang Kabataan elections.
Kasabay nito, hinimok ni Echiverri ang publiko na iboto ang mga opisyal ng barangay na hindi lamang mabait, kundi matapng din na lalabanan ang paglaganap ng iligal na droga.
Payo naman ni Echiverri sa mga kakandidato, huwag nang tumakbo sa posiusyon kung natatakot na labanan ang iligal na droga at sa halip, ibigay ang posisyon sa buo ang loob na labanan ito.
Dagdag ni Echiverri, dapat palakasin ng mga opisyal ng barangay ang BADACs, sa pamamagitan ng pagsasaayos, pagpondo, at planuhin ito. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.