Well-milled rice sa NCR, mabibili na ng P39 simula bukas

By Chona Yu April 15, 2018 - 10:18 AM

Inquirer file photo

Simula bukas, mabibili na sa merkado sa National Capital Region (NCR) ang well-milled rice sa halagang P39.

Ayon kay National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez, gaya ng ipinangako ng mga rice traders sa pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, iro-roll out na bukas ang murang bigas.

Sa naturang pulong sa Malakanyang, nangako ang mga rice traders na maglalaan sila ng 700,000 na sako ng bigas bilang pangpuno sa mababang stocks ng NFA rice.

Ayon kay Estoperez, ang mga traders at millers mula sa Nueva Ecija at Isabela ang magsusuplay ng murang bigas.

Makikita aniya ang mga murang bukas sa mga merkado na may nakalagay na tarpaulin na “Tulong Sa Bayan Caravan.”

Tiniyak naman ni Estoperez na hindi lilimitahan ng mga trader ang mamimili kung ilang kilo ng well-milled rice ang kanilang bibilhin.

TAGS: "Tulong Sa Bayan Caravan", NFA Rice, rice traders, well-milled rice, "Tulong Sa Bayan Caravan", NFA Rice, rice traders, well-milled rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.