4 na pulis-Maynila, arestado matapos ang tangkang mangingikil
Arestado ang apat na pulis-Maynila matapos mangikil umano ng P50,000 mula sa isang Egyptian kapalit ng pagbabasura ng drug charge laban dito.
Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, pinuno ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force (PNP-CIDG), nadakip ang apat na pulis sa isinagawang entrapment operation sa isang convenience store sa bahagi ng Quirino Avenue corner Mabini St. sa Malate bandang 6:00, Biyernes ng gabi.
Hinuli sina SPO3 Ranny Dionisio, PO3 Richard Bernal, PO1 Elequiel Fernandez at PO1 Arjay Lasap, mga mula sa intelligence section ng Manila Police District Malate station, matapos tanggapin ang inisyung tseke ng Egyptian.
Naging katuwang ng pulisya ang National Bureau of Investigastion (NBI) sa naturang police operation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.