Teenage birth rate sa Pilipinas mataas ayon sa UN

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 06:51 AM

INQUIRER File Photo

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na adolescent o teenage birth rate sa Southeast Asia.

Sa isang pahayag, sinabi ng mga ahensya ng United Nations kagaya ng International Planned Parenthood Federation at Plan International, at iba pang civil society organization na sa buong mundo, bumaba na ang adolescent birth rate. Ngunit nananatiling nasa pagitan ng stagnant o hindi gumalagaw hanggang pataas na rate ang sa Southeast Asia.

Sa huling datos, lumalabas na ang average adolescent birth rate sa Southeast Asia ay 47 panganganak sa kada 1,000 kababaihan sa mga edad na 15 hanggang 19.

Pinakamataas na rate ang sa Lao PDR na may 94, sinundan ng Cambodia na may 57, Thailand na mayroong 50, Indonesia na may 48, at ikalima ang Pilipinas na mayroong 47.

Lumabas rin sa mga pag-aaral na nananatiling mataas ang child marriage at early union sa Southeast Asia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.