500,000 ektaryang lupa hindi pa naipapamahagi ng DAR sa mga magsasaka

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 06:48 AM

Aminado si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na hindi pa naipamamahagi ng kagawaran ang nasa 500,000 ektaryang lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga magsasaka.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim niya ang isla ng Boracay sa land reform.

Ayon kay Castriciones, marami sa mga nasabing lupang sakahan ay nasa mga lalawigan ng Isabela, Quezon, at Leyte, at mga rehiyon ng Bicol at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Aniya, target ng DAR na maipamahagi kada taon ang 50,000 ektaryang lupa. Ngunit mayroong mga factors na nagreresulta sa backlog ng pamamahagi ng lupa.

Samantala, nilinaw naman ni Castriciones na mayroon ilang bahagi ng isla ng Boracay na na-identify bilang agricultural at forest area.

At ang mga nasabing agricultural lands ay maaaring ipamahagi sa mga magsasaka at kanilang gawing pagkukuhanan ng kabuhayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.