Mga iskolar ng 4Ps nakapagtapos na ng kolehiyo
Nakapagtapos na ng kolehiyo ang nasa 34,000 na mga mag-aaral na pawang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang kanilang mga pamilya.
Nag-aral ang mga ito sa ilalim ng Expanded Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation sa pagtutulungan ng Commission on Higher Education (CHED), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at mga state universities and colleges.
Sa ilalim ng naturang programa ay dapat kuhanin ng mga mag-aaral ang mga kursong in demand batay sa datos na hawak ng mga local industries.
Samantala, sinabi ni DSWD undersecretary at officer-in-charge Emmanuel Leyco na magpapatuloy ang pagbibigay ng cash grant para sa mga benepisyaryo ng 4PS sa Marawi City.
Ngunit paalala nito, kailangang makapag-comply ang mga pamilya sa requirement ng DSWD hanggang sa katapusan ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.