Full alert status itinaas ng PNP sa Butuan City matapos umatake ang NPA sa istasyon ng pulisya
Itinaas ang alert status ng pulsiya sa Butuan City matapos ang pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang istasyon ng pulisya ayon sa Northeastern Mindanao Police Regional Office (PRO-13).
Sinabi ni Chief Supt. Noli Romana, regional director ng PRO-13, handa ang kanilang hanay sa posibleng pagganti o pagbalik ng mga sumalakay na NPA.
Ito ay makaraang atakahin ng 40 miyembro ng NPA ang isang police station sa Barangay San Mateo, sa Butuan, Biyernes ng umaga pero matagumpay itong nadepensahan ng mga pulis.
Nabatid na 20 pulis ang nasa istasyon nang sumalakay ang NPA pero nagawa nilang protektahan ang police station at hindi nakapasok ang mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.