Solgen Calida tinawag na sinungaling si Sereno

By Rohanisa Abbas April 13, 2018 - 04:16 PM

Tinawag ni Solicitor General Jose Calida si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na sinungaling kaugnay ng nahanap na Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALNs) nito.

Iginiit ni Calida na ang Office of the Solicitor General (OSG) ang nakarekober sa siyam na SALN ni Sereno.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Calida ang reply letter ng University of the Philippines Human Resources Development Office (UP HRDO).

Ayon sa Solicitor General, ibinigay ng UP ang mga kopya ng SALN ni Sereno para sa mga taong 1985,1990, 1991, 1993, 1994,1995, 1996, 1997 at 2002.

Ani Calida, pareho ang mga SALN na “narekober” ni Sereno sa mga isinumite ng OSG sa Korte Suprema.

Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao, kamakailan ay narekober ng punong mahistrado ang kanyang mga SALN na inihain noong 1985, 1989, 1990, 1991, 1993, 1994, 1995, 1996 at 1997.

Dagdag ni Lacanilao, ang 1996 SALN ni Sereno ay nakuha sa Office of the Ombudsman habang ang 2002 SALN ay mula sa UP HRDO.

Naghain ng quo warranto petition si Calida laban kay Sereno dahil sa kabiguan umanong ihain ang lahat ng kanyang SALN na requirement sa application ng Judicial and Bar Council.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: jose calida, Maria Lourdes Sereno, quo warranto, Radyo Inquirer, SC, jose calida, Maria Lourdes Sereno, quo warranto, Radyo Inquirer, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.