WATCH: Mga vendor sa Baclaran bibigyan ng permanenteng puwesto para hindi na magtinda sa bawal na lugar
Limang dekada nang sakit sa ulo ng mga opisyal ang mga nagkalat na vendors sa paligid ng Baclaran Church.
Sa pagpupulong nina MMDA Chairman Danny Lim, MMDA acting General Manager Jojo Garcia at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez napagkasunduan na ang ilalatag ng solusyon sa problema.
Sinabi ni Olivarez na ang parking area sa service road ng Roxas Boulevard ang lugar kung saan ililipat ang mga vendors na nasa ilalim ng Baclaran LRT Station, sa gilid at harap ng simbahan.
Ayon pa kay Olivarez aabot sa 1,500 vendors ang ililipat at ang mga ito ang deka-dekada nang nagtitinda sa Baclaran.
Giit pa ng opisyal walang sisingilin na bayad sa puwesto at ang mga magtitinda sa labas ng ng itinalagang lugar ay huhulihin.
Samantala, umaasa naman si Lim na ang plano ng lokal na pamahalaan ang solusyon na sa problema na nagdudulot ng matinding traffic sa lugar maging mga krimen.
Dagdag pa ni Lim ang public transport terminal naman na tatamaan ng paglilipat ng mga vendors ay ililipat din.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.