1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Cebu City
Pinagbabaril sa tapat ng isang fast food chain ang isang lalaki sa Cebu City Biyernes ng madaling araw.
Namatay sa insidente ang biktimang si Neil Cañete Abella matapos pagbabarilin habang sakay ng kaniyang Honda Fit na kotse.
Ayon kay SPO3 Rommel Bangcog, imbestigador sa homicide section ng Cebu City Police Office, natukoy sa lisensya ni Abelle na siya ay residente ng San Fernando Cebu.
Kwento ng mga saksi, ipaparada lang ni Abella ang kanyang sasakyan nang tambangan ito ng suspek.
Nasugatan naman ang dalawang kasamahan ni Abella na kapwa isinugod sa Cebu City Hospital.
Hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, at inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.