Mga nagkasala sa Dengvaxia controversy dapat managot sa batas – DOH

By Rohanisa Abbas April 13, 2018 - 10:18 AM

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Senado na tiyaking mapapanagot ang mga responsable sa pagbili sa P3.5 bilyong Dengvaxia at pagpaapatupad ng dengue immunization program.

Ipinahayag ng DOH na welcome sa kagawaran ang draft report ng imbestigasyon ng Senado sa naturang usapin.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang “marching order” niya sa simula pa lang ay tumulong sa mga imbestigasyon sa dengue vaccination program.

Dagdag ni Duque, nakatuon ngayon ang kagawaran sa pagbibigay ng accessible health care sa higit 800,000 batang naturukan ng Dengvaxia.

Sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee, pinakakasuhan nito sina dating pangulong Noynoy Aquino, dating Budget secretary Florencio Abad, at dating Health secretary Janette Garin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, draft report, francisco duque, Radyo Inquirer, Dengvaxia, draft report, francisco duque, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.