Pangulong Duterte pupunta ng Kuwait para tunghayan ang paglada sa MOU para sa OFWs

By Rhommel Balasbas April 13, 2018 - 03:38 AM

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang nakatakdang pagpunta sa Kuwait.

Ito anya ay para tunghayan ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na layong bigyang proteksyon ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Hong Kong, sinabi ng pangulo na sumang-ayon at handang pagbigyan ng Kuwaiti government ang marami niyang demands.

Bagaman hindi sinabi ni Duterte kung kailan siya bibisita sa Kuwait, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang paglagda sa MOU ay kailangang maisagawa sa loob ng buwang ito o hindi kaya ay bago magsimula ang Ramadan.

Ilan sa mga naging demands ng pangulo ay ang mga OFWs na ang hahawak ng kanilang passports; magkaroon ng tulog na aabot sa pitong oras at ang kanilang mga kontrata ay kailangang alinsunod na sa batas ng Pilipinas.

Ang pagbuo sa MOU ay bunsod ng kinahinatnan ng pinay OFW na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer na nagresulta para magpataw ng deployment ban ang Pilipinas sa Kuwait.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.