Opisyal ng Sulu Health Office patay sa pamamaril

By Erwin Aguilon April 13, 2018 - 01:27 AM

Patay ang HR officer ng Sulu Integrated Provincial Health Office makaraang pagbabarilin sa Viray Drive, Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu nakilala ang nasawi na si Edmiraldo “Emerald” Sollano Wee na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo pauwi ng bahay ang 38-anyos na biktima nang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem pasado alas siyete ng gabi ng Huwebes.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang Special Forces ng militar habang kinordon naman ng mga tauhan ng 35th Infantry Battalion ng Philippine Army ang Metro Jolo para sa posibleng pagkaka aresto sa mga suspek.

Nagpahayag naman ng pagkundina si Autonomous Region in Muslim Mindanao Health Secretary Dr. Kadil Sinoliding Jr. sa pag-atake sa isa sa kanilang health worker.

Kasabay ng pagluluksa, hiniling nito sa mga awtoridad na kaagad mabigyan ng katarungan ang pagkasawi ni Wee.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.