WATCH: Anti-terrorism drill isinagawa sa Cubao

By Jong Manlapaz April 12, 2018 - 12:44 PM

Isang malakas na pagsabog ang narinig Araneta Center Bus Terminal sa Quezon City, matapos ito, biglang bumulagta ang maraming sibilya at mga sugatan, habang isang bus naman ang kinontrol ng isang terorista.

Mabilis naman rumusponde ang mga miyembro ng SWAT ng QCPD, at agad napatay ang isang terorista at maging ang pangalawang terorista na nasa loob ng bus habang nailigtas ang hostage nito.

Ang naturang scenario ay naging bahagi ng anti-terrorism and crisis management drill sa bus terminal na pinangunahan ng PNP at ng QCPD kasama ang lokal na pamahalaan at AFP.

Ayon kay NCRPO chief Dir. Gen. Oscar Albayalde napakaimportante ng ganitong drill para makita ang mga kakulangan ng pnp sa responde sa ganitong sitwasyon lalo na at may banta ng terorismo hindi lamang sa buong mundo maging dito sa Pilipinas.

Sa anti-terrorism drill, ginamit ng PNP ang kanilang remote control EOD Robot na kinuha ang isang bag bago pinasabog.

Sa kabila nito aminado si Albayalde na kailangan pang mag upgrade ng mga gamit ang PNP laban sa banta ng terorismo.

Ayon naman kay QC Mayor Herbert Bautista na malaking bagay ang pagtutulungann ng PNP, AFP at LGU para sa ganitong sitwasyon.

Sinabi naman ni QCPD Dir. Guillermo Eleazar na oobligahin niya ang lahat ng station commander ng QCPD ng magsagawa rin ng anti-terrosim drill bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Sa kabuuan naging matagumpay ang anti-terrorism drill ng QCPD.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti terrorism drill, PNP, QCPD, Radyo Inquirer, anti terrorism drill, PNP, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.