OFWs sa Riyadh pinag-iingat kasunod ng panibagong missile attack
Nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Overseas Filipino Worker doon na maging mapagmatyag kasunod ng panibagong missile attack na target ang Riyadh,
Ayon sa statement na inilabas ng embahada, natanggap nila ang ulat hinggil sa pagpapakawala ng ballistic missile ng Houthi mula sa Yemen.
Gayunman, naharang ito ng Saudi Arabian Air Defense Systems.
Sinabi ng embahada na wala namang napaulat na may nasaktan dahil sa nasabing insidente.
Nanawagan din ang embahada sa mga Pinoy sa Riyadh na manatiling mapagmatiyag at maging kalmado.
Kinakailangan ding agad iulat kung mayroong matutukoy na panibagong pag-atake lalo na kung may maaapektuhang Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.