Articles of impeachment laban kay CJ Sereno aaprubahan ng Kamara sa Mayo
Aaprubahan ng Kamara ang articles of impeachment laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa ikatlo o ikaapat na linggo ng buwan ng Mayo.
Hindi ito naaprubahan ng Kamara bago mag-Holy Week break ang Kongreso noong March 23.
Pero ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, tiyak na pagbalik ng mga kongresista sa unang bahagi ng Mayo ay matatapos na nila ang articles of impeachment.
Walang nakikitang problema ang pamunuaan ng House of Representatives sa pag-akyat ng articles of impeachment sa Senado kahit may quo warranto petition laban kay Sereno na inihain sa Korte Suprema ni Solicitor General Jose Calida.
Paliwanag ni Alvarez, magkahiwalay na proseso ang dalawa. Sa impeachment anya, ang grounds ay ang mga ginawa ng impeachable
official na gaya ni Sereno at ito ang exclusive na hurisdiksyon ng Kamara.
Habang ang quo warranto na inihain ng SolGen ay iba ang course of action. Ito anya ay pag-atake sa validity ng pagkakatalaga ni Sereno bilang punong mahistrado.
Dagdag ng House Speaker, kapag nagdesisyon ang Supreme Court na idiskwalipika si Sereno bago ang impeachment proceedings ng Kongreso ay magiging moot and academic o balewala na ang impeachment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.