Grab binalaan ng LTRFB sa pagsingil ng mahal na pamasahe
Inutusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab na bawasan ang kanilang surge pricing rate habang nakasalang pa sa review ang aplikasyon ng iba pang Tranport Network Vehicle Services (TNVS).
Sinabi ng LTFRB na hindi makatwiran ang double rate fare na ipinatutupad ng Grab sa tuwing mataas ang demand sa kanilang serbisyo o yung tinatawag na surge pricing.
Kailangan umanong hindi lalampas sa 1.5 times ng kanilang normal rate ang surge charge.
Nauna dito ay inulan ng reklamo ang LTFRB dahil sa masyadong mahal na singil ng Grab kumpara sa kanilang dating kalaban sa merkado na Uber.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng Grab na hindi nila pinagsasamantala ang merkado habang wala silang kakumpetensya pero kanilang inamin na mas mahal nga ang kanilang singil kumpara sa ibang TNVS.
Nangako naman ang LTFRB na babantayan nila ang pricing mechanism ng Grab Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.