Metro Manila at ilang lalawigan muling inulan

By Den Macaranas April 11, 2018 - 03:47 PM

Photo: Fernan de Guzman

Muling bumuhos ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan ngayong hapon.

Sinabi ng Pagasa na ang naganap na ulan ay bunga pa rin ng kaulapan sa malaking bahagi ng Luzon maging sa ibabaw ng Metro Manila.

Asahan pa rin ayon sa weather bureau ang localized thunderstorm sa Kamaynilaan at mga kalapit na lalawigan pero sa pangkalahatan ay magiging maayos naman ang lagay ng panahon sa mga susunod na oras.

Dahil sa biglaang buhos ng ulan, may bumagsak na punong kahoy sa kahabaan ng V.Mapa Street sa Maynila na bahagyang naging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Kahapon, kasunod ng deklarasyon ng Pagasa ng pagsisimula ng summer ay bumuhos rin ang ulan na nagpalubog sa ilang mga lansangan sa Mandaluyong City, Quezon City at Maynila.

TAGS: localized storm, Metro Manila, Pagasa, Summer, thunderstorm, localized storm, Metro Manila, Pagasa, Summer, thunderstorm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.