Bilang ng mga mahihirap ng Filipino target na ibaba ni Pangulong Duterte sa 14 percent
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na ambisyoso ang kanyang pangarap na bawasan ang bilang ng mga mahihirap na Filipino sa bansa.
Ayon sa pangulo, mula sa 22 percent na poverty alleviation noong 2015, target niya itong maibaba sa 14 percent sa taong 2022 o ang pagtatapos ng kaniyang termino.
Pero magagawa aniya ito sa pamamagitan ng paggastos ng 5-7 percent ng budget ng Pilipinas para sa imprastraktura.
Naniniwala ang pangulo na ang Build Build Build program ng panahalaan ang magiging backbone sa solid growth.
“Our milestones are ambitious: We will spend five to seven percent on infrastructure. We aim to reduce poverty from 22 percent in 2015 to 14 percent by 2022. We intend to achieve growth of seven to eight percent every year up to 2022. Our “Build, Build, Build” program will provide the solid backbone for growth. This will continue to upgrade the infrastructure, connect more people and communities and create more jobs. Already we have started a three-year rolling program amounting to over US$69 billion until 2022,” ayon sa pangulo.
Samantala, hindi lang puro negosyo ang natalakay sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Secretary Bong Go, maliban sa mga seryosong usapan, nagkaroon din ng casual talk o kuwentuhan ang dalawa sa Boao forum for Asia sa Hainan province China.
Ayon kay Go, idiniga ng pangulo kay Xi na sa Fujian province nagmula ang kaniyang lola.
Dagdag pa ni Go, maging siya ay inungkat din ni Xi kung saan ang kaniyang angkan sa China nang malaman niyang may lahi din itong Chinese.
Tulad ng bansag sa kanya na selfie king, hindi din pinalampas ni Go ang pagkakataon para makapag-selfie sa nakapulong na Chinese President.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.