Mahigit 80 katao namatay matapos uminom ng nakalalasong alak sa Indonesia

By Justinne Punsalang April 11, 2018 - 03:28 AM

AP Photo

Umabot na ng 82 katao ang namatay mula sa iba’t ibang bahagi ng Indonesia matapos makainom ng nakalalasong alak.

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya ng Indonesia na si Setyo Wasisto, 51 ang namatay sa West Java, habang 31 naman sa Jakarta.

Mahigit 90 tao naman ang na-ospital sa Cicalengka dahil pa rin sa nainom na alak.

Isa pang problema ng Indonesian government ang limitadong hospital facilities para tanggapin ang mga pasyente.

Itinuturong dahilan ng pagkalat ng mga nakalalasong alak sa black market ang pagpapataw ng mataas na buwis ng pamahalaan ng Indonesia sa mga alcoholic drinks, dahil na rin sa paghihimok ng mga konserbatibong Muslim

Hinala ng mga otoridad, posibleng mayroong isang malaking distributor ng alak na responsable sa pagkalat ng mga nakalalasong inumin. Kaya naman patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis ukol dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.