Mga pulis na nakipagsagupa sa mga kidnapper sa San Pablo, Laguna, gagawaran ng parangal

By Mark Makalalad April 11, 2018 - 12:42 AM

Dahil sa kabayanihan na pinakita sa pakikipagsagupa sa mga armadong kriminal sa San Pablo, Laguna, gagawaran ng parangal ng Philippine National Police ang mga pulis na myembro ng Anti-Kidnapping Group at Candelaria MPS.

Sa kanyang pagbisita sa mga sugatang pulis, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na ipo-promote nya ang buong team na tumigis sa mga kriminal.

Binubuo ito ng hindi bababa sa 20 personnel kasama na ang sugatang sina PO1 Jeffrey Orlanes, PO1 Jujun Villaflor at PO1 Mendez.

Dahil sa meritorious promotion, nangangahulgan ito ng pag akyat sa ranggo ng mga pulis gayundin ang pagtaas ng sahod.

Samantala, bilang pagkilala sa pagbubuwis buhay, isang posthumous award naman ang ipagkakaloob kay PO1 Sarah Jane Andal.

Paliwanag ni Dela Rosa, “big fish” ang nadali ng naturang mga pulis. Nabatid kasi na malaking grupo ito at malawak ang operasyon dahil “easy money” ang pakay nila sa mga High Value Target kagaya na lamang ng kanilang biktima na si Ronaldo De Guzman Arguelles.

Bagaman nalagasan ng tao, itunuturing ni Bato na malaking katagumpayan ito para sa kanila.

Paraan kasi ito para matuldukan na ang mga akusasyon na pulis na nakauniporme ang nasa likod ng Kidnap for ransom.

Samantala, nakilala na ang 4 sa 5 napatay na kidnapper na nagpanggap na pulis.

Base sa impormasyon ng PNP Region 4-A, ang mga suspek ay kinilalang si Juan Vicente Singabor na nagpanggap na PO2 Rebadulla, Jairo Olegario na nagpanggap na PO3 Dizon, Kent Lim at Marcelino Sican.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.