Problema sa mga pantalan sa buong bansa pinaaayos ni Duterte kay incoming MARINA Admin. Rey Guerrero

By Chona Yu April 10, 2018 - 09:49 AM

Inquirer File Photo

Hindi pa man nakauupo sa puwesto, may marching order na si Pangulong Rodrigo Duterte kay incoming Maritime Industry Authority Chief at kasalukuyang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Sa talumpati ng pangulo sa Davao International Airport bago tumulak sa Boao Forum sa China, pinabubusisi ng husto ng pangulo kay Guerrero ang mga pantalan sa bansa.

Marami kasi aniyang problema sa pantalan at hindi lamang sa south at north harbor kundi maging sa buong bansa.

Babala pa ng pangulo kay Guerrero, puno ng problema ang MARINA.

“I would say, “talk to Bato.” This time, talk to Albayalde. Or talk to Guerrero, if you have a problem with the — ‘yung… Ano ‘yung opisina mo Jagger? Marina? Pangalan pa naman ng babae. Pakisilip nga kung maganda ‘yan. Maproblema ‘yung opisina mo ha, grabe ang problema diyan sa pantalan. Just do not forget that it’s not South and North Harbor, it’s all over the Philippines”, ayon sa Pangulo.

Sa April 18 matatapos ang termino ni Guerrero at ililipat na siya ng pangulo sa MARINA.

January ng taong kasalukuyan nang sibakin ng pangulo si MARINA Administrator Marcial Quirico Amaro III dahil sa madalas na foreign trip

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, MARINA, Radyo Inquirer, Rey Guerrero, Rodrigo Duterte, AFP, MARINA, Radyo Inquirer, Rey Guerrero, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.