BIR, nagpaalala sa deadline nang paghahain ng ITR
Ipinaalala ng Bureau of Internal Revenue ang pagsusumite ng income tax returns bago ang itinakdang deadline sa April 16.
Ayon kay Internal Revenue Commissioner Ceasar Dulay, mas mabuti na magsumite ng kanilang ITR na nang mas maaga ang mga negosyante, self-employed professionals at iba pang individual tax payers.
Sinabi nito na hindi na palalawigain pa sa itinakdang bagong deadline ang ang paghahain ng ITR.
Ang mabibigo anya na maghain sa tamang oras ay papatawan ang penalty.Iginiit naman ni Dulay na ang lumang form ng ITR ang kailangang gamitin dahil hindi pa sakop ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion ang ihahain ngayon.Hindi naman kinakailangan na maghain ng personal ang mga suwelduhang empleyado dahil ang mga kumpanya ang dapat mag – file nito.
Mula sa deadline na April 15 inilipat ito ng BIR sa April 16 dahil tumapat ito sa araw ng linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.