Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magalit kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Paliwanag ng pangulo, makailang beses na niyang sinabi na hindi niya pinakikilaman ang imepachment ni Sereno.
Pero dahil sa paulit-ulit na akusasyon ni Sereno, sinabi ng pangulo na ipinaalam na niya ngayon sa buong mundo na pakikialaman na niya ang impeachment proceedings laban kay Sereno.
Personal na pakikiusapan ng pangulo sina House Speaker Pantaleon Alvarez at mga kongresista na bilisan ang pagpapatalasik kay Sereno at huwag nang daanin pa ang proseso sa dramahan.
Pakibilis-bilisan aniya ang pagpapatalsik kay Sereno dahil hindi na siya nakabubuti sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng pangulo na dapat bilisan na ng mga kongresista ang pagpapatalsik kay Sereno dahil kung hindi ay siya ang gagawa dito.
Ayaw niya aniyang magkaroon ng krisis sa Pilipinas pero kung kinakailangan na patalsikin si Sereno ay gagawin niya ito.
Kung ipinipilit umano ni Sereno na nakikialam ang pangulo sa kanyang kaso, sinabi ni Deterte na “Count me in.”
Katunayan, sinabi ng pangulo na tutulungan na niya si Solicitor General Jose Calida sa quo warranto petition na nakabinbin sa Supreme Court.
“I’m putting on notice na I am now your enemy,” dagdag pa ni Duterte.
Ayon sa pangulo, mistulang sa baklang laban ang ginagawa ni Sereno, ‘yong pumasok sa isang gulo at kapag nabanatan ay iiyak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.