23 kasal maaring maapektuhan ng anim na buwang closure sa Boracay

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 09, 2018 - 11:42 AM

Hindi bababa sa 20 wedding events ang maaapektuhan ng pagsasara ng Boracay Island sa loob ng anim na buwan.

Ito ay batay sa datos ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay.

Ayon kay Father Tudd Belandres, parish priest ng nasabing parokya, 23 mga kasal ang naka-schedule na maaapektuhan ng six-month closure, mula April 26 hanggang October 25.

Sa ngayon, wala pa sinoman sa mga apektadong couple ang nagtungo sa simbahan para magpakansela.

Ang mga naka-schedule na ikakasal ay pawang mga Pinoy at may iba ring dayuhan.

Ayon kay Belandres, tutugon ang parokya sa aumang kautusan ng gobyerno hinggil sa closure maging kung aatasan sila nitong huwag munang tumanggap ng pagpapa-schedule ng kasal.

Karaniwan kasi na kapag may ikinakasal sa Boracay ay sa mga resort doon ginaganap ang reception at maraming guests ang nagmumula pa sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boracay Island, Radyo Inquirer, Six Months Closure, wedding events, Boracay Island, Radyo Inquirer, Six Months Closure, wedding events

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.