Medialdea, pangungunahan ang paggunita ng bansa sa ika-76 Araw ng Kagitingan

By Rhommel Balasbas April 09, 2018 - 03:47 AM

INQUIRER File Photo

Si Executive Secrerary Salvador Medialdea ang mangunguna sa commemoration rites ng ika-76 na Araw ng Kagitingan ngayong araw sa Mount Samat Shrine sa Pilar, Bataan.

Kakatawan si Medialdea kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang lumipad patungong China ngayong araw rin na ito para dumalo sa Boao Forum.

Makakasama ni Medialdea sa commemoration rites sina Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at ang charge d’ affaires ng US Embassy na si Michael Klecheski.

Magsisimula ang programa alas-9 ng umaga sa pamamagitan ng wreath laying ceremony na pangungunahan nina Haneda, Klecheski at Medialdea.

Ang wreath laying ceremony ay bilang pagbibigay pugay sa mga bayani ng World War II.

Bukod sa tatlong opisyal ay nakatakda ring magbigay ng kanilang mga mensahe sina Bataan Governor Abet Garcia at National Historical Commission of the Philippines Chairman Dr. Rene Escalante.

Ang tema ng selebrasyon ng makasaysayang araw na ito ngayong taon ay ‘Kagitingan at Pagmamahal sa Pilipinas para sa Tunay na Pagbabago’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.