Nakatakdang lumipad patungong Hainan, China ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Boao Forum na idaraos mula ngayong araw hanggang bukas, April 10.
Inaasahang dadaluhan ng mga state at business leaders mula sa 29 na member countries ang nasabing conference.
Naatasang magbigay ng welcome address si Duterte sa nasasabing pagtitipon.
Sa isang pulong balitaan, inilarawan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Manuel Teehankee ang nakatakdang pagbibigay ng pahayag ng pangulo bilang isang pribilehiyo.
Ayon kay Teehankee, patunay lamang ito ng pagkilala sa papel ng pangulo at pagiging lider nito sa Asya partikular sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region.
Samantala, matapos ang Boao Forum, didiretso na ang pangulo sa Hong Kong at maglalagi mula April 11 hanggang 12 para makadaupang palad ang Filipino Community sa lugar.
Habang nasa China ay itinalaga ni Duterte si Executive Secretary Medialdea bilang caretaker ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.