Paggamit ng chemical weapons sa Syria, kinondena ni Pope Francis
Kinondena ni Pope Francis sa kanyang tradisyonal na Sunday blessing ang paggamit ng chemical weapons sa Syria.
Ito ay matapos ang mga ulat na dose-dosenang katao kabilang ang mga bata at kababaihan ang nasawi matapos ang hinihinalang poison gas attack na isinagawa sa isang lugar na sakop ng mga rebelde sa nasabing bansa.
Ayon sa Santo Papa, hindi maipipilit na tama ang paggamit ng ‘chemical weapons’ laban sa mga walang kalaban-laban.
“There is not a good or a bad war, and nothing can justify such instruments that exterminate defenseless people and populations,”
Dahil dito, hinimok niya ang mga responsable sa naturang pag-atake partikular ang mga pulitiko at lider ng militar na piliin ang makipagnegosasyon.
Anya sa pamamagitan ng negosyasyon o pakikipag-usap lamang matatamo ang tunay na kapayapaan.
Nag-alay naman ng panalangin ang lider ng Simbahang Katolika sa mga nasawi at pamilyang patuloy na nahihirapan sa nagpapatuloy na kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.