Incoming PNP chief Albayalde, nagbabala sa mga scalawag

By Chona Yu April 08, 2018 - 12:57 PM

Inquirer file photo

Nagbabala si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Director Oscar Albayalde sa mga scalawag o mga pasaway pulis na magpakatino na kung gusto pang manatili sa puwesto.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Albayalde na ppaigtingin niya ang pagdidisiplina sa mga pulis para maalis ang mga bulok na kagawad ng PNP.

Katunayan, sinabi ni Albayalde na sinimulan na niya ito sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Tiniyak pa ni Albayalde na paiigtingin pa niya ang pagsasagawa ng counter intelligence para maaresto ang mga abusadong pulis.

Sa ngayon aniya sa NCRPO lamang mula 2016, 279 ang na-dismiss, 829 ang nasuspinde, 99 ang na-demote, at 365 ang naitapon sa Mindanao.

TAGS: Chief Director Oscar Albayalde, PNP, scalawag, Chief Director Oscar Albayalde, PNP, scalawag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.