Live airing sa gaganaping oral arguments sa quo warranto petition kay CJ Sereno, hindi ipalalabas ng media
Hindi ipalalabas ng media ang live airing ng proceedings sa gaganaping oral arguments sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay matapos ilabas ng Supreme Court En Banc ang advisory na magkakaroon lamang ng access ang media sa live streaming sa labas ng Baguio Session Hall kung saan isasagawa ang summer session ng mga mahistrado.
Pinagbabawalan rin ang media na kumuha ng mga larawan at video sa loob ng Session Hall dala ng masikip ang venue.
Papayagan lamang ang interviews bago pumasok sa session hall ang mga partido.
Ayon sa advisory, maglalagay naman ng TV monitors sa designated media area para mapanood ang buong proceeding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.