Escolta station ng Pasig River Ferry muling binuksan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 05:13 PM

MMDA Photo

Bukas nang muli at magagamit nang publiko ang Escolta station ng Pasig River Ferry.

Ang muling pagbubukas ng Escolta station ay inaasahang makapagse-serbisyo sa mga ferry riders na bibiyahe pa-Maynila.

Matatagpuan ang Escolta station sa Muelle dela Industria sa Maynila malapit sa Jones Bridge.

Ayon sa abiso ng Mertropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero na mayroong katanungan tungkol sa Pasig River Ferry Service, maari silang tumawag sa 882-54151 hanggang 77 local 1061 o 1062.

Bukas ang Ferry Service mula Lunes hanggang Sabado at nag-uumpisa ang first trip alas 6:30 ng umaga mula sa Guadalupe Station papuntang Plaza Mexico.

Ang huling biyahe naman ay alas 5:30 ng hapon mula Plaza Mexico papuntang Guadalupe.

At ang mula Guadalupe papuntang Pinagbuhatan ay 5:30 ng hapon din ang huling biyahe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Escolta Station, manila, Pasig River ferry System, Radyo Inquirer, Escolta Station, manila, Pasig River ferry System, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.