DOTr nagpaliwanag sa muntikan nang suntukan ng dalawang opsiyal ng MRT-3

By Cyrille Cupino April 06, 2018 - 04:59 PM

INQUIRER.net file photo

Nagpalabas na ng pahayag ang pamunuan ng Department of Transportation kaugnay ng muntik na pagsusuntukan ng dalawang mataas na opisyal ng MRT-3.

Sa inilabas na statement ni Director Goddes Hope Libiran ng Public Information Office ng DOTR, sinabi nito na normal lang sa mga opisyal ng lahat ng organisasyon na magkaroon ng mainitang pagtatalo paminsan-minsan.

Paliwanag ni Libiran, karaniwang nangyayari ito, lalo na kung matindi ang kagustuhan ng mga opisyal na tuparin ang kanilang tungkulin.

Sinabi ni Libiran na aayusin ng DOTR at MRT-3 ang isyu sa pamamagitan ng internal at propesyunal na pamamaraan.

Nakiusap rin ang opisyal sa media na huwag nang palakihin pa ang isyu, at sinabing mas tututukan ng DOTR at MRT-3 sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga tren.

Matatandaang kaninang hapon, nagkasagutan at muntik nang magkasuntukan sina MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia at Director for Operations Engr. Mike Capati habang nasa kalagitnaan ng meeting.

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, Mike capati, mrt3, Radyo Inquirer, Rodolfo Garcia, dotr, Mike capati, mrt3, Radyo Inquirer, Rodolfo Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.