LTO officials at personnel sa Aritao, Nueva Ecija, pinasisibak lahat ni Pangulong Duterte

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 03:52 PM

Pinasisibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng tauhan at mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na nakatalaga sa truck weighing scale sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Si Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade ang inatasan ng pangulo na ipatupad ang pagsibak sa mga LTO officials at personnel.

Ito ay makaraang magreklamo kay Pangulong Duterte ang mga rice trader sa Luzon at sinabing sila ay kinikikilan ng mga tauhan ng LTO sa kanilang weighing scale sa Aritao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa reklamo ng mga truck owners umaabot sa milyon ang halaga ng nakukulimbat sa kanila kada buwan ng LTO.

Ang nasabing sumbong ay ipinarating sa pangulo ng mga negosyante ng bigas mula sa Cagayan Valley sa forum na kanilang dinaluhan Huwebes ng gabi.

Lahat umano ng truck na may kargang mga palay, bigas at iba pang agriculture products ay pinapadaan sa weighing scale para matiyak na hindi overloaded.

Halos 1,000 truck ang dumadaan sa timbangan kada araw kaya ang nakukulekta ng mga nangongotong sa kanila ay umaabot sa P500,000 hanggang P1 milyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Aritao Nueva Vizcaya, lto, Radyo Inquirer, rice traders, Aritao Nueva Vizcaya, lto, Radyo Inquirer, rice traders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.