DENR, nag-isyu ng show cause order laban sa 900 Boracay establishments
Aabot sa mahigit 900 estbalishment sa Boracay island na nakitaan ng paglabag ang inisyuhan na ng show cause order ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Environmental Undersecretary Jonas Leones, sakop nito ang mga resorts at hotels sa forestlands at wetlands. Under evaluation na umano ang mga ito at kung hindi susunod ay mahaharap sa posibleng demolition.
Nilinaw naman ni Leones na sa loob ng 6 buwan lang din ang pagsasara ng mga establisyemento.
Humingi na rin umano sila ng paliwanag at mga kinakailangang dokumento sa mga ‘violator’ kaugnay dito.
Dagdag pa ni Leones, na namomroblema ang ahensya kung paano ilalabas ang mga basura sa isla. Nasa 90 hanggang 115 tons ang dami ng mga basura sa Boracay pero nasa 30 hanggang 50 tons lang ang nakukuha dito.
Nabatid na hindi uubra ang phase by phase approach kaya 6-month closure ang nirekomenda sa Boracay.
Samantala, Iniimbestigahan din ang ahensya ang kanilang sariling hanay para malaman kung may kailangan bang managot dahil sa alegasyon ng katiwalian at kapabayaan sa ahensiya.
Nito lang Pebrero, matatandaang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool” o imbakan ng dumi ang islang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.