Pangulong Duterte at President Xi, magpupulong sa sidelines ng Boao Forum for Asia

April 06, 2018 - 12:29 PM

Magkakaroon ng pulong sa pagitan nina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita ng pangulo sa China sa iaktlong pagkakataon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dadalo si Pangulong Duterte sa Boao Forum for Asia mula April 9 hanggang o 10.

Mula China, magtutungo ang pangulo sa Hong Kong para sa working visit.

Ayon kay DFA Undersecretary Manuel Teehankee, magkakaroon ng bilateral meeting si Duterte sa kaniyang Chinese counterpart bilang sidelines ng forum.

Kabilang sa inaasahang matatalakay ay ang pamamaraan upang lalo pang mapagtibay ang bilateral relations ng Pilipinas at China.

Ang dalawa ay huling nagkausap sa Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting na ginanap sa Vietnam noong Nobyembre.

 

 

 

 

 

TAGS: Boao Forum in China, DFA, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Xi Jinping, Boao Forum in China, DFA, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.