Dating Presidente ng Brazil na si Luiz Inacio Lula, ipinaaaresto ng korte

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 11:48 AM

Ipinaaresto na ng Brazilian Court ang dating presidente ng Brazil na si Luiz Inacio Lula.

Ito ay para mapanilbihan na ni Lula ang labingdalawang taong pagkakabilanggo na hatol sa kaniya ng korte dahil sa kasong katiwalian.

Ang arrest warrant ay inilabas ni Brazilian federal Judge Sergio Moro matapos ibasura ng Supreme Federal Court (STF) ang apela ni Lula.

Nakasaad sa arrest order na mayroon lamang hanggang alas 5:00 ng hapon si Lula ngaong araw, oras doon, para sumuko sa Federal Police.

Si Lula na isa sa mga pinaka-tanyag na political figures sa Brazil ay nahatulan sa kasong money laundering at passive corruption noong Hulyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Brazilian federal Judge, Luiz Inacio Lula, Radyo Inquirer, Sergio Moro, Supreme Federal Court, Brazilian federal Judge, Luiz Inacio Lula, Radyo Inquirer, Sergio Moro, Supreme Federal Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.