5 nagpakalat ng droga sa Close Up Forever Summer concert, hinatulang makulong ng habambuhay

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 06, 2018 - 11:34 AM

Inquirer File Photo

Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng korte ang ilang mga akusado na nagpakalat ng iligal na droga sa 2016 Close Up Forever Summer concert sa MOA, Pasay City noong May 2016 na ikinasawi ng limang katao.

Sa inilabas na desisyon ng Paranaque City Regional Trial Court (RTC), life imprisonment ang naging hatol sa mga akusadong sina Marc Deen at Seergeoh Villanueva.

Habang mula dalawampung taon na pagkakalulong hanggang habambuhay na pagkakakulong ang ibinabang hatol sa tatlo pang suspek na sina Erica Valbuena, Thomas Halili at Martin Dimacali.

Ang limang nabanggit na mga akusado ay nauna nang sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2016.

Ito ay matapos silang maaresto ng mga ahente ng NBI sa Parañaque City at matukoy na sila pala ang pinagmulan ng ilegal na droga sa nasabing konsyerto.

Matapos mahatulan, iniutos na rin ng korte na mailipat ang apat na lalaking akusado sa New Bilibid Prisons (NBP), habang ang babaeng na si Valbuena ay dadalhin naman sa Women’s Correctional.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Close Up Forever Summer Concert, Radyo Inquirer, Close Up Forever Summer Concert, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.