3 scientist, tumanggap ng Nobel Prize sa DNA repair

By Jay Dones October 08, 2015 - 04:51 AM

Mula sa cnn.com

Tatlong dalubhasa mula sa Sweden, United States at Turkey ang pinakahuling mga recipient ng prestihiyosong Nobel Prize for Chemistry dahil sa kanilang kontribusyon sa patuloy na paghahanap ng gamot sa sakit na kanser.

Tinanggap nina Tomas Lindahl, Paul Modrich at Aziz Sancar ang premyo at pagkilala dahil sa kanilang “mechanistic studies of DNA repair” na nagsilbing bagong armas ng mga siyentipiko sa paglaban sa nakamamatay na karamdaman.

Sa ilalim ng kanilang proyekto, nagawa ng mga ito na mai-mapa kung paano nirerepair ng mga ‘cells’ sa katawan ng tao ang ‘deoxyribonucleic acid’ o DNA upang mapigilan ang mga pagkakamali sa genetic information nito.

Sa maraming uri ng cancer ang naturang repair system ng mga cells ay may damage o sira kaya’t hindi nagagawa ng mga ito na mag-regenerate.

Ayon sa Royal Swedish Academy of ASciences, ang kontribyusyon ng tatlo ay nagbigay ng panibagong perspektibo kung paano nagpa-function ang isang living ‘cell’ at naging hudyat upang maka-develop ng mga bagong gamot na panlaban sa iba’t-iban uri ng cancer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.