BBL dapat maipasa sa Senado sa anibersaryo ng Marawi City siege
Hiniling ni Senator Miguel Zubiri sa mga kapwa niya senador na ipasa ang Bangsamoro Basic Law kasabay nang paggunita sa unang anibersaryo ng Marawi City siege sa Mayo 23.
Aniya target ay mapirmahan na ang BBL bago ang pagbubukas ng 18th Congress sa darating na Hulyo.
Pagdidiin ni Zubiri ang BBL ang daan para magkaroon na ng ganap na kapayapaan hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.
Sinabi pa ng senador na kapag nakalusot na sa Senado ang panukala, iisipin ng mga Bangsamoro people na seryoso ang gobyerno sa pagkakaroon na ng tunay na pag-unlad at kapayapaan sa kanilang tinubuang lupa.
Banggit pa ni Zubiri, kinausap na niya si Pangulong Rodrigo Duterte para sertipikahan bilang ‘urgent bill’ ang panukala para sa BBL.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.