Top 4 most wanted person sa Makati arestado

By Justinne Punsalang April 06, 2018 - 06:27 AM

Nasakote na ng mga pulis ang isang lalaki na halos limang taon nang nagtatago sa batas matapos maharap sa kasong murder.

Nakilala ang suspek na si Arje Lasaca na ginagamit rin ang mga alyas na Joel Lasaca at Anthony Manansala.

Ayon kay Police Senior Inspector Ronald Saquilayan ng Makati City Police, si Lasaca ang kanilang itinuturing na Top 4 Most Wanted person.

Ayon kay Saquilayan, matagal na nilang tinutunton ang suspek dahil bukod sa kasong murder ay sinasabing sangkot rin ito sa pagbebenta ng iligal na droga at isa rin umano itong gun for hire.

Kaya naman nang makatanggap ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek ay agad na nagtungo ang mga pulis sa Barangay Cembo sa Makati kung saan naaresto si Lasaca.

Nakumpiska mula sa suspel ang limang sachet ng shabu, isang kalibre 38 baril na kargado ng bala, isang motorsiklo, at mga ID kabilang ang isang lisensya ng baril ngunit hindi ito para sa narekober na baril sa kanya.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng patung-patong na kaso kabilang ang Illegal Possession of Firearms and Ammunition at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

TAGS: makati city, mmost wanted, murder suspect, number 4, makati city, mmost wanted, murder suspect, number 4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.