Pagkakatalaga kay Galvez bilang AFP Chief of Staff, welcome kay Sec. Lorenzana

By Rhommel Balasbas April 06, 2018 - 03:59 AM

Inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang kanyang kagalakan sa pagpapangalan kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez bilang susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff.

Si Galvez ang papalit kay AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero na magreretiro na sa April 18.

Ayon kay Lorenzana, masaya siya para kay Galvez at naniniwala siyang magiging magaling itong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas.

Dagdag pa ni Lorenzana, kilala niya si Galvez simula pa noong maging lieutenant ito at naging saksi siya sa pagiging mahusay at propesyonal nito.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwala at kumpyansang ipinapakita nito sa kanya.

Anya, sisiguruhin niyang maibibigay ang lahat upang magawa nang maayos ang tungkulin na iniatang sa kanya tulad ng mga posisyon na nauna niya nang nahawakan.

Si Galvez ang over-all commander ng Marawi Siege at isa sa mga naging susi upang mapalaya ang lungsod sa kamay ng Maute Terror Group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.