K-12 graduates dapat bigyan ng trabaho ng mga pribadong kumpanya – Sen. Poe

April 06, 2018 - 02:39 AM

Hinihimok ni Senator Grace Poe ang pribadong sektor na kunin at ibilang sa kanilang mga kawani ang unang batch ng Senior High School graduates.

Sinabi ng senadora na sa ganitong paraan ay magkakaroon ng maayos na pagkakakitaan ang unang graduates ng K to 12 program ng gobyerno.

Ayon pa kay Poe, masasabi lang na tunay na matagumpay ang Enhanced Basic Education Act of 2013 kung may kooperasyon ang pribadong sektor, dahil malaking bahagi sila ng job market sa bansa.

Una nang nagpahayag ng pagdududa ang Philippine Chamber of Commerce and Industry kung sapat na 80-hour on the job training ng mga senior high school students para mag-trabaho.

Tumugon naman na ang DepEd ukol dito ang tiniyak na handa nang mag-trabaho ang mga Grade 12 graduates.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.