Oil spill sa Indonesia nagmula sa sirang tubo ng kanilang state-owned oil company

By Justinne Punsalang April 06, 2018 - 02:25 AM

Limang katao na ang naitalang namatay habang daan-daang iba pa ang nagkasakit matapos magdulot ng apoy ang oil spill sa Semayang Port sa Balikpapan, East Kalimantan sa Indonesia.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagmula ang oil spill sa isang sirang tubo ng state-owned energy company na Pertamina ng Indonesia na ginagamit para mag-dala ng crude oil.

Ayon kay Balikpapan city secretary Sayid Fadli, nangangamoy krudo ang baybayin ng Semayang Port dahil sa nangyaring oil spill.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng state of emergency ang Balikpapan, kung saan mahigit 1,300 katao na ang nakararanas ng hirap sa paghinga, pagkahilo, at pagsusuka.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente habang nililinis naman ng port authorities ang kumalat na krudo sa katubigan ng Balikpapan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.