NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde, itinalagang susunod na PNP Chief
May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong pinuno ng Philippine National Police.
Ito ay si National Capital region Police Office Director Oscar Albayalde.
Papalitan ni Albayalde si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na magreretiro ngayong Abril na itatalaga naman ng Pangulo bilang susunod na pinuno ng Bureau of Corrections.
Sa talumpati ng Pangulo awarding ng outstanding Gawad Saka 2017 at Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) 2017 sa Rizal Hall sa Malakanyang, sinabi nito na napili niya si Albayalde dahil sa pagiging istrikto sa mga pulis.
Inatasan pa ng Pangulo si Albayalde na luwagan ang pagpapatayo ng mga kulungan sa bansa dahil mas marami pang kriminal ang makukulong.
Utos pa ng Pangulo kay Albayalde, huwag bilhan ng pagkain ang mga bilanggo at hayaan silang magutom o bumili ng sarili nilang pagkain.
May lumutang na rin aniya na dalawang pangalan na susunod na Armed Forces of the Philippines Chief of Staff pero hindi pa siya at liberty na isapubliko ang pangalan ng mga ito. / Chona Yu
Excerpt: Itinalaga ni Pangulong Dutertesi NCRPO Chief Dir. Albayalde bilang susunod na PNP Chief.
WATCH: Pres. Duterte appoints NCRPO chief Oscar Albayalde as the next PNP chief @dzIQ990 pic.twitter.com/fKgMjEhZ98
— chonayuINQ (@chonayu1) April 5, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.