Bahagi ng Maynila, Caloocan at Malabon, mawawalan ng suplay ng tubig

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 05, 2018 - 06:16 AM

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Maynila, Caloocan, at Malabon ngayong araw.

Sa abiso ng Maynilad, ang nakatakdang water interruption ay magsisimula ng alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang aas 4:00 ng umaga bukas.

Sa Maynila, kabilang sa mga maaapektuhan ang bahagi ng CM Recto Avenue, Rizal Avenue, Mayhaligue, Sulu, Remigio at A. Mendoza sa Brgys. 310 hanggang 312 at 315 hanggang 316.

Sa Caloocan naman, apektado ang bahagi ng Barangay 83 at 84. At ang Barangay Longos naman sa Malabon.

Pinayuhan ng Maynila ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng tubig.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, Malabon, manila, Radyo Inquirer, water interruption, caloocan, Malabon, manila, Radyo Inquirer, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.