Easterlies patuloy na makaaapekto sa bansa

By Justinne Punsalang April 05, 2018 - 04:14 AM

Magiging maulan ang Metro Manila at ang kabuuan ng bansa dahil sa localized thunderstorms na dala ng easterlies.

Sa huling abisong inilabas ng PAGASA ay sinabi ng ahensya na magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan ang buong bansa.

Samantala, asahan naman ang katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malakas na bugso ng hangin mula sa hilagangsilangan ang Northern Luzon, silangang bahagi ng Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao. Ibig sabigin ay magiging katamtaman hanggang sa maalon ang katubigan na nasa mga nabanggit na lugar.

Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa, mahina hanggang sa katamtamang hangin naman ang mararamdaman, na magdudulot ng maliit hanggang sa katamtamang mga pag-alon.

Maglalaro naman sa 24.3 hanggang 31.3 degrees celsius ang temperatura sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.