Operasyon ni Prince Philip naging matagumpay
Nagpapagaling na si Prince Philip matapos nitong sumailalim sa matagumpay na hip operation.
Sa isang pahayag, sinabi ng Buckingham Palace na maayos ang kalagayan ng Duke of Edinburgh at sa katunayan ay “in good spirits” ito.
Sa ngayon ay naka-confine pa rin at nagpapagaling si Prince Philip sa King Edward VII Hospital sa London, England at inaasan ito na mananatili sa ospital hanggang sa mga susunod na araw.
Inaasahan rin na makaka-recover ang 96 taong gulang na asawa ni Queen Elizabeth II para sa nalalapit na kasal ng apo nito na si Prince Harry at Meghan Markle na magaganap sa May 19 sa St. George’s Chapel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.