Aguirre mananatiling DOJ Secretary — Spox. Roque
Mananatili sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) si Vitaliano Aguirre II.
Ito ang naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque matapos ang ika-24 na Cabinet meeting sa Palasyo ng Malacañan.
Ani Roque, hindi naman natalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa mga ugong-ugong na matatanggal sa pwesto si Aguirre. Ito ay matapos ikagalit ng pangulo ang pakakabasura ng DOJ prosecutors sa kasong kriminal na nakasampa sa mga drug lord na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.
Samantala, natalakay naman sa nasabing Cabinet meeting ang tungkol sa pansamantalang pagpapasara ng Boracay, muling pagkakaroon ng usaping pangkapayapaan sa New People’s Army, at Pasig River Ferry Convergence Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.